Sino ang Pogi
Tagalog

Sino ang Pogi?

Marahil ay isa ka din sa naghahanap ng pogi. Paano kasi, andito ka. Nakita mo lang yung title, napapindot ka na. Puro na lang ba pogi ang nasa isip mo?

Kung sa bagay, sino ba naman ang may gustong gumising at magmulat ng mata at makagisnan mo ang mukhang unggoy na maitim pa. Ako gusto ko din ng pogi. Pero lalaki ako, kaya gusto ko na lang pumogi.

Pero kung ako tatanungin, gusto ko din magmulat ng mata sa mukha ng pogi. Sabi nila kasi, kapag pogi, hindi bad breath. Kaya kapag kaharap ko ang pogi sa umaga, parang ang pogi na ng maghapon ko. Saka nakakahawa daw ang pogi. So, pogi na ba ako?

Ako pogi? Yan ba tinatanong mo ngayon? Hindi naman sa pagmamayabang, sa ilang dekadang nagka-itsura ako, nanalo na ako ng anim na papuri na pogi daw ako mula sa nanay ko. Pero sinabi niya lang yata yun kasi may iuutos siya sa tindahan. Tapos wala pang ibang taong nakikinig.

So pogi ba ako? Counted ba na pogi kapag masipag sa bahay? Pwede na bang tawaging pogi kapag busilak ang loob? Kung ganoon nga, pwes, hindi ako pogi.

Dati noong kolehiyo pa ako, sinabihan ako ng kaklase ko ng “Pogi.” Hindi ako naniwala pero kinilig ako. At dahil sinabi nya yun, naniwala ako. Damang-dama ko na pogi ako. Pero pogi ba talaga ako o uto-uto lang?

Sino ang pogi? Ako ba? O ikaw? Yang katabi mo? O yang crush mo? Kung pogi ka at hindi ako, bakit?

Kung mas pogi ako sa’yo, makikipagpalit ka ba sa akin ng mukha? Kung ayaw mo, ano ang gusto mo?

Kung ang mukha mo ay pogi pero may tumubong bayag diyan sa noo mo, papayag ka? Kung ayaw mo ng ganon, ano gusto mo? Ok ba sa’yo na kamukha mo si Jake Cuenca pero yung hiwa ng pwet mo nasa noo?

Ikaw, ano ba ang definition mo ng pogi? Pakipaliwanag nga diyan sa baba nang magkaintindihan tayo.

Qkotman
I am a tech writer. I do a lot of writing for websites and some personal blogs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *